Friday, December 16, 2011

KUNG FU fighting

Anderson Show





This morning,I watched the Anderson show and his topic was very interesting. It was about transgender kids. Hindi ko naisip na pwede pala mangyare yun. I mean as early as 5 years old nag tratransition na sila. One kid, actually wanted to cut his penis. It was a bit shocking kasi naiisip na nang mga bata ang ganong paraan. 2years old palang nga daw nakikita na nang parents nang mga kids na to na iba sila.

This strengthen my belief na being gay is never a choice, natural na lumalabas sayo yan. Siguro yung iba lang sa latter part na nang buhay nila. Pero hindi mo pwedeng piliin na maging gay ka dahil lang sa mga nakakasama mo o nakikita mo, Bigla na lang nararamdaman yan, hindi naman yan pinag aaralan o ginugusto dahil uso sya or whatsoever. Siguro nakakadagdag na lang ang mga factors na yun, pero ang tao paren ang makakaramdam kung ano ba talaga sya at kung anong mag papaligaya sakanya.

Ako personally, akala nang mom ko phase lang ang nangyayare saken before. Hindi ko naman inisip sa una na makikipag on ako ako sa babae kasi nung highschool ako ang dami ko namang crush na lalake.Although I was boyish back then, madami den akong lesbian friends, hindi ko naman naisip na magiging ganun den ako.

Nakakainspire ang mga stories sa show na yun. Gusto lang naman nila magpakatotoo sa sarili nila. All they wanted was to be happy. Bilib ako sa tapang nilang iladlad ang totoo nilang pagkatao despite the gender norms, kahit na madaming nag criticize, hindi approve sa transformation nila. At bilib den ako sa parents nila, because full support sila sa changes na nangyayare saknila. They never questioned there kid, di nila sinaktan,pinilet na mag bago. Unconditional love! :)

Ang buhay ay hindi nababase sa katauhan nang isang tao. Hindi ito nababase sa yaman o kung anong abot mo. Its about being true to yourself and the people around you. Ang importante ay masaya ka sa gingawa mo at wala kang taong sinasgasaan.


Live, love and be proud! :)


Check this link: http://www.youtube.com/watch?v=iTYzxqaQUSQ

Thursday, December 15, 2011

I MISS YOU BLOG



I miss blogging. Since hindi ako makapag blog dahil naka block yung page ko sa offcie. Nakikigamet lang ako nang station nang boss ko na dateng taga web development (full access sya!).

Ano na bang nangyare saken.. Got transferred 3x this year (account). Birthday ko, nag house party ako.. Daming issues na nagkalat.. Nalaman...Na-clear.. Naayos? Moved to a new home, got a new lappy and phone.

Wala namang nag bago saken except sa naging choosy ako pagdateng sa mga taong nakikilala ko. Naging wiser ako when it comes to decision making at mag naging mature ako ( i think!) when it comes to love.

Shempre di mawawala ang taon taon kung wishlist:

1. POI -- pangarap ko talaga to!!!!!!! GLOWBALLS GLOWBALLS!
2. DIGICAM - im not really sure kung digicam sya, basta itsurang digicam na na zozoom ang lens! astigg!
3. PSP - forever ko na atang wishlist to, d ko paden nabibili
4.CONVERSE SNEAKERS- love!love!
5.Madaming clothes at shoes -- arte lang? babae paden ako..
6.TV - yung malake lake naman at minipis nipis

Sabay ko na New years resolution at goals ko for 2012 baka d nanaman ako makapagpost eh..Lol:

1. Enroll poi class
2.Umuwi nang CDO
3. Find a better job?
4. Fix birth certificate
5. Mag gym - toning lang
6. Out of town - Bora?Palawan?or somewhere in Bicol (may magandang beach don)
7. Pursue yung business
8.MAGIPON AT MAGIPON


Happy Holidays everybody!Lets all be merry and thank god for the blessings he gave us!

xoxo