I cannot believe I am already 28. Feeling ko pinaglipasan na ako nang panahon. Feeling ko zero na ang market value ko. Feeling ko, sa edad kung ito ang hirap nang makahanap nang totoong kaibgan. Totoong tao. Ang jahe naman kase kung makikipag halubilo at makikipag tropa ka sa mas bata sayo. Minsan kase iba ang trip nila, d ko magets.
Madalas mas gusto ko na nga ngayun, quiet time. Nakahiga sa sofa o sa kama habang naonood nang TV o nagbabasa nang libro o nagpopoker sa phone. Though madami pa akong gustong gawin sa buhay ko, hindi ko naman masaikatuparan lahat dahil unang una hindi naman kalakihan ang budget ko at pangalawa hassle ang schedule ko. Well swerte na nga ako at sat and sun ang day off ko, pero kung gusto ko mang gumala, kulang ang dalawang araw.
Ganon pala yun no, ang hirap kapag nabuhay ka sa maraming kaibigan. Yung tipong kahit san ako pumunta may kakilala ako. Ngayung parang ilag na ako. Mula nang may nangyareng di maganda saken kamakailan, sa panahon ngayun d ko na alam kung sino ang dapat pag katiwalaan at sinong hindi. Naninibago tuloy ako, date date ang saya saya kase madameng kumakausap, bumabati at nang iimbita saken. Ngayun, piling pili na lang ang mga taong natira at tinuturing akong kaibigan. Wala naman masamang tinapay saken kung tutuusin, kaya lang minsan kelangan nalang i let go ang mga taong hindi maganda ang ginawa sayo. Di ko nalang pinpansin ang mga mapanghusgang tingin nang iba.
Habang tumatanda ka pala madami kang natutuklasan tungkol sa buhay. Madaming nagbabago sayo. Mananamet,mananalita, ugali, pananaw sa buhay. Nagiging mature ka pagdateng sa pag dedesisyon nang isang sitwasyon. Matututo kang mamile nang kaibgan at kung sino ang sasamahan. May mga birong sa tingin mong hindi na nakakatawa at may mga sitwasyong makakapapekto sayo na madadala mo hagang pagtanda mo.
Sa pagtanda ko, gusto ko maging mahusay sa larangan na pinasok ko, mapagsilbihan ang nanay at mga kapatid ko. Makamtam ang mga materyal na bagay na inaasam asam ko. Tangaalin ang mga masasama kung ugali na hindi naman tumutulong sa pagunlad ko. Magakron nang taong mag mamahal saken at magiging kasabay ko sa pag unlad ko. At higit sa lahat, gusto ko yung mga taong naniwala saken, yung mga taong nagbigay saken nang lakas nang loob, mga taong naging parte nang buhay ko maging masaya man o malungkot, sana hindi sila magsawang maging kaibigan ako.