Thursday, August 14, 2008

Ang laman nang utak ni agent 57002




paisa isa lang sila nawawala noon..matagal ang agwat nang bawat taong lumilisan sa opisnang tinawag na nameng pangalawang tahanan.. kahit nawawala sila.. malungkot man ang mga mukha namin, magandang alaala naman ang iniwan nilang nakakapag pataba ng puso..

comfort zone ang tawag namen sa aming opisina.. masaya ang lahat nang tao..maaliwalas ang paligid.. lahat nakangiti.. lahat tumatawa.. walang iniisip na problema maliban sa fastfood na tatawagan para mag pa deliver nang lunch namen.,

ibang ligaya ang aming nadarama pag pumapasok kame sa opisina noon.. iba ang environment..sama sama,sa hirap o saya..kapag may problema nag dadamayan..kapag may nadadapa... tinutulangang tumayo agad.. kapag my sungay na unti unting tumutubo agad na pinuputol.. were more than colleagues.. we are a family..

shempre habang tumatagal ang panahon.. sa pagtuloy ng ikot ng mundo.. unti unti umaasenso ang aming tahanan....nakakita kame ng sinag nang araw..sabi nila magandang sinyales daw..magandang buhay..

lumaki kame.. nagiba ang itchura nang opisina..madaming nag bago.. itchura nang station..katabing agent..bagong computers..upuan..lahat bago.. nakakatuwa..ang yabang nanamen.. malamansyon na ang aming bagong tahanan!

pero habang tumatagal.. habang patuloy ang pag babago.. hindi ko alam bakit unti unting nawawala ang sayang noon ay damang dama ko pag pasok palang sa pinto ng opisina ko..unti unti na ren ako nawawalan nang gana pumasok.. lalo na nung nawala ang isa sa mga pinaka matalik kung kaibigan sa opisina.. hindi ko alam bat bigla akong nanghihina.. nalungkot.. nawalan nang pagasa.. ang mga sinag nang araw na natatanaw ko noon ay napapalitan nang makakapal na ulap..

naisip ko sana nandun na lang kame sa luma nameng opisina.. kahit parang kameng mga sardinas na nag sisiksikan.. masaya.. komportable..masarap pumasok..at..uulitin ko ulit.. Masaya!

18 comments:

me said...

minsan talaga, masaya ang work dahil sa mga people na kasama mo sa trabaho. and not because gusto mo yung mismong trabaho.

emotera said...

hayyy namiss ko tuloy ang workplace ko dati...ang sarap ng pakiramdam pag pasok kasi alam mong masasayang alaala na nman mangyayari eh... sabi nga nung kasamahan ko nun sa ospital...

"kung nung una pumapasok ako dahil sa perang sweswelduhin ko... ngayon pumapasok ako dahil alam kong masaya akong magtra2baho kc makakasama ko na nman kyo..balewala na skin kung delayed man sweldo natin"

Anonymous said...

hi agent 57002 :) hehe

teka, ang drama nmn ng last 2 posts mu..pero i understand how u feel, para ka na din kasi nawalan ng mkksama araw2 eh, but we cant erase "changes" in this world.. wag kna malungkot khit wla na sila make sure nlng na keep in touch p din kiu, sna wag maging hindrance un pra magkaron k p ng reasons na pumasok at ngumiti araw2 :D

Anonymous said...

cheer up. mas masayang magtrabaho kpag nag-eenjoy ka sa ginagawa mo at sa mga bagay na nakapaligid sau =)

ako si senti said...

ako din.....



IBALIK NYO KAMI SA TYCOON!!!!


wala lng...hehehehe

Jhamy whoops! said...

@spongebabe

trulalu gerl.. panu ka mageenjoy at gagawin nang tama ang trabahu mo kung hindi na masaya daba?

@shamy

pumapasok ako dahil mahal ko kaibigans ko.. kaso ngayun hindi na masaya.. marami saming d masaya..

@iyay

ok lang naman kahit d na sila nag wowork samin,, kaso kung ang feeling mo sa office ee.. uber lungkot at hindi na masaya.. nakakawalang gana.. haayyy.. salamat sa pagdaan ha!!!

@ka.bute

oo tama ka jan!! kung di na masaya.. wala nang reason para mag stay daba?!

@roge

tara.. balik na tayu sa balikbayan box na elevator!! lets go!!

What you see is what you get said...

KINGDOM BUILDERS Inc!mabuhay ka!asan ka na ba? bat nde na kita maramdaman (emo...emo...)

What you see is what you get said...

KINGDOM BUILDERS Inc!mabuhay ka!asan ka na ba? bat nde na kita maramdaman (emo...emo...)

Jhamy whoops! said...

@voodoo

kung pwede lang uli mamili no?? kahit simple lang ang buhay naten.. masaya!! (uber emo na ako!!! waaaa!!!)

meeyah.siegrid said...

..Oo nga jham..mas masaya tayo dati kahit di kagandahan ang opisina, kahit maliit lang ang lugar na halos naririnig mu na tibok ng puso ng bawat isa, kahit may multo sa elevator, kahit mahirap basta masaya..dati madali lang abutin at intindihin ang mga tao nasa paligid dahil sa sobrang lapit sa isa't isa alam mu ang takbo ng isip at puso..pero ngayon..mahirap na di pa masaya..di ko na rin alam kung anu na manyayari sa mansyon na aalog alog na mabibingi sa katahimikan at kalungkutan..sana jham..sana lang..

Jhamy whoops! said...

@mia

hayyy,, maganda nga ang lugar.. malaki,,,maganda ang kinakainan,, my sleeping room na my totoong kama..

hindi naman masaya.. haayy.. paano na tayu nyan? =(

ladygreicia is the name.. said...

Oo nga jham agree ako..sabi nga nila mas masaya pag simpleng ang buhay.kahit may mga problema masaya pa rin.kesa nasa mansyon ka nga magara lahat pero di naman masaya ang pligid mo.kaya parang nakakawalang gana na.pero syempre eto trabaho natin e..:(

Jhamy whoops! said...

@grecia

oo nga.. wala na tayung choice.. eto na ang buhay naten ee.. kaso.. kahit anung pilit.. nakikita naman na hindi masaya!

ladygreicia is the name.. said...

Korek..kaya minsan paring di maiiwasang sabihing "sana dun na lang tau ulit.."sana walang naging pagbabago..para masaya pa rin.."
Lets pray for the best to happen na lang..

Wafu said...

hay... kakalungkot naman...

Jhamy whoops! said...

@mace

ang haba mo palagi mag comment no!! hehehe!!

OO malungkot talaga!! haaayyy!!

onatdonuts said...

naku naiintindihan kita...

astig kasama ang mga masasayahing kaopisina, nagkakasundo kayo at di maglaon nagiging magkakaibigan...

kung nakakaramdam kana ng kalungkutan, baka panahon na para lumipat, pero pag-isipan mo rin ha..kailangan din naman kasi natin ng kabuhayan..mas ok kung magreresign ka ng may sigurado ka nang malilipatan...pero ikaw din ang bahala kung feel mo na mag-resign...ok lang, go go!

Jhamy whoops! said...

@onats

tama ka.. hindi naman tayu mapapakain nang saya at tawa! maganda nga environment, butas naman ang bulsa..

nalulungkot ako dahil kung sakasakaling umalis ako.. marami akong mamimiss na mga taong naging parte na ng buhay ko! =(