Tuesday, October 7, 2008

After 25 years



Sa 25 years kung nakatira sa mundong ibabaw.. natutunan kung..


1. Iba ang Love sa "kilig"..

2. You cannot please everybody..

3. Hindi lahat ng kaibigan mo.. kaibigan mo..

4. Masakit umibig.. pero mas masakit ang maloko..

5. Maraming players sa mundo.. dapat mag ingat..

6. Hindi lang pag ibig ang nag papaikot sa mundo..

7. Hindi iiyak ang mundo para sayo..

8. Nanjan lang palagi si "Karmy" Karma..

9. Wala kang mapapala kung mangangrap ka lang.. kelangan mo gumawa ng paraan para matupad ito..

10. Tawanan ang problema.. pero wag kalimutang gawan ito nang solusyon..

11. Hindi ka pwedeng maging "Asa Barandal".. kelangan magtrabaho para mabuhay..

12. Minsan kelangan mong mamili ng kaibigan..

13. Kelangan mong maging madiskarte para hindi ka mapagiwanan..

14. Iwasang magkautang.. para iwas sakit ng ulo (credit cards, loans..)

15. OK lang uminom, magyosi at gumimik.. wag lang sobra sobra..

16. Kelanganng magipon..para sa future at para may huhugutin pag emergencies..

17. Dapat mag enjoy naman paminsan, wag masyadong mag pakasubsob sa trabaho..nakakatanda!

18. Maging totoo sa sarili.. hindi kailangang mag sinungaling sa ibang tao para magustuhan ka nila.

19. Ang buhay ay walang katapusang pag aaral..

20. Magisip nang maraming beses bago gumawa ng isang desisyon..

21. Makisama nang mabuti para walang makaaway..

22. Mahalin at alagaan ang sarili habang bata..

23. Wag abusuhin ang mga taong mababait sayo..

24. Makuntento kung anong meron ka..

25. Magtira nang onting pag mamahal sa sarili para hindi lubos na masaktan kapag iniwanan ka..

12 comments:

  1. 17. Dapat mag enjoy naman paminsan, wag masyadong mag pakasubsob sa trabaho..nakakatanda!

    ---aray naman

    ReplyDelete
  2. @melandro

    oo noh! panget kayang trabaho ka na lang nang trabaho! grr.. nakaka stress...nakakabaliw yun!hehehehe

    ReplyDelete
  3. 20. Magisip nang maraming beses bago gumawa ng isang desisyon..

    well said jamina.

    my contribution:

    26.) magpaganda at hindi natin alam kung sinu ang makakasalubong mamaya.

    amishu

    ReplyDelete
  4. 1. Iba ang Love sa "kilig"..

    hihihihi.. la lang. it just catched my attention. hehehe. (gumaganun pa..) :))

    ReplyDelete
  5. 2. You cannot please everybody.

    true! at kung hindi mo sila ma-please, huwag mo nang ulitin pang subukan. hindi ka lang tlg nila feel. LOL

    3. hindi lahat ng kaibigan mo.. kaibigan ..

    lalo na pag sa thesis! mahirap kung ung mga kaibigan mo, tingin sayo, kabayong kayod lang ng kayod para sa grupo. LOL *speaking from one's experience ito? LOL

    salamat nga pala sa comment sa page ko. nagiisip tlg ko about dun...

    ReplyDelete
  6. WOw naman. Ipiprint ko to post mo, tapos ilalagay ko sa kwarto ko. gagawin kong rules for life. LOOOOOOOOOOOL.

    See you soon jamjam. =) OCt. 18 ang inuman sa Trellis with Mykee and Shetot.

    ReplyDelete
  7. @myk2ts

    tama ba mare?? type ko yang number 26.. bongga yan! i lurve it!

    @ka.bute

    trulaloo naman daba?

    @miss jones

    promise na experience ko yan girl!! hindi ko kinarry!! ampnesss ang mga ka grupo ko..

    totoo naman you cannot please everybody..eh.. keber ko sakanila.. even the care bears dont care!!

    ReplyDelete
  8. @tentay,,

    pwede.. gawin mong wallpaper yang post ko! para lage mo akong maalala!! wahahahaa

    ReplyDelete
  9. hmm, isa lang ang masasabi ko... SHWAK! :)

    ReplyDelete
  10. @doc F

    apir tayu doc!!! inuman na!!

    ReplyDelete
  11. salutb ako dito mare pero parang mahirap tong isang to:

    "25. Magtira nang onting pag mamahal sa sarili para hindi lubos na masaktan kapag iniwanan ka.."

    papanu gagawin toh? hahaha

    ReplyDelete
  12. @ronna.tristan

    hehe.. pigilan ang sariling mafall.. para hindi ka mabagok ng bonggang bongga! masakit kaya un!daba!

    ReplyDelete

Anung iniisip isip mo jan?

bago mo ilagay ang commento mo.. sabihin mo na ang salitang "NAKAKAPAGPABAGABAG" nang 3 beses at kaylangan mabilis..

(Anu nabulol ka ba?)