
Lahat naman tayo nag hahangad nang totoong pagmamahal. Lahat tayo kapag nag mahal, lageng nateng iniisip na ang dumating na taong yun ay ang taong makakasama naten habang buhay...
Pero may iba...sa sobrang pag mamadaling maghanap ang taong mag papasaya sakanila, imbis na mag lakad.. tumatakbo.. nagmamadali..kung minsa'y hindi nagiisip.. mapakitaan lang nang kabutihan,perfect combination na. mabigyan lang nang bulaklak na inlove na...kaya anung ending? may sugat na.. may peklat pang nakatatak sa puso na kahit kelan ay hinding hindi na mabubura..
Yung iba naman, tapos na ang lahat.. suyo paden nang suyo..nag dadasal na baka ma aayos pa ang mga bagay na hindi nila napag kasunduan.. Umaasang sa papamagitan nang pagiging tanga.. lilingon uli ang taong mahal nya, at aayusin ang relasyong puno na nang lamat..
May mga sitawasyong deng hindi mo maexplika kung bakit napupunta sa wala ang isang relasyon. Kung titingan mo sa malayo, wala kang makikitang bahid nang kamalian. Maiingit ka pa nga dahil nag mamahalan sila nang tunay. Pero kung sisipatin mong mabuti at pag mamasdan.. makikita mong sa loob..marami palang problema.. nagkakasakitan na pala.. sa sobrang lapit nila sa isat isa, hindi na nila makita ang problemang sumisira sa pundasyong binuo nila.. hindi nila namamalayan na matagal na palang gumuho ang relasyong naging sentro nang mga buhay nila.
Ang iba nama'y patay malisya na lang sa mga problema. Nakahain na nga lahat lahat, nag bubulag bulagan pa. Nawalan na nang gana ang isa, hindi paren pinapansin..walang ginagawa..hindi nag iisip nang sulosyon..manhid..in short, patay na ang relasyong minsang bumuhay sa kanilang dalawa..
Hindi ba.. pag nagmamahal ka, dapat masaya.. walang problema..walang sakit na nararamdaman.. Pero bakit nangyayare ang mga sitwaysong nakasaad sa itaas? dahil ba maling tao ang minahal? wrong timing ba? meron sakanila ang mas nag mahal.. hindi balanse, o kaya naman hindi sapat?
Bakit kaya ganun? Akala ko tuloy nung bata ako.. masarap mag mahal.. masaya.. hindi pala.. may hangganan pala ang lahat.. pili lang pala ang mapapalang natutupad ang mga love stories nila..
Ikaw? anung naranasan mo na bang mag mahal? anu namang kwento mo?
2 comments:
isa lang ang alam ko ngayon.
" nagmamahal ka, dahil gusto mo.
hindi dahil kailangan. ikaw lang din naman ang nagiisip kung sasaya ka ba o hahayaang sumaya na alam mong hindi naman pala. diba?"
miss u ate jhammy.
mwah.
i love pat™
-stan.♥
@stan
eheheh.. amen! ikaw mashado ka deng malalim minsan ha!! :)
miss yah too..
Post a Comment