Thursday, October 2, 2008

Si mama, ako at ang pagiging lesbyana ko...





My mom never questioned me kung bakit ako, panganay sa tatlong magkakapatid, babaeng babae pumorma at maraming barkadang lalake e nagkakagusto sa kapwa babae..(pero hindi ako butch, femme ako)..hindi ko naman actually sinabi sa mom ko nang deretchuhan na hindi ako straight...Naamoy na lang nya...napansin na iba ang mga kasama ko. ..Biruin mo ba naman, nung 18th birthday ko ni anino nang lalaki wala syang nakita sa party ko.... puros butch, femme, sb at mga mag-on ang nandun. diba nakakaloka!

Pero hindi ko alam kung matutuwa ako dahil open ang mom ko sa ganung relationship o iisiping wala syang pakiaalam sakin...Yung iba kaseng friends ko kinukuwento nila, nung nalaman nang mga parents nilang lesbian sila...kung hindi nasasaktan ng bonggang bongga, grounded forever o tinataboy at pinapalayas sila.

Inggit nga ibang friends ko sakin, kase ako nasasabi ko sa mom ko na my jowa akong butch. Pero infairness naman nung una akong nag dala ng kaon sa bahay, nag sunget sungetan effect ang nanay ko..Pero feeling ko..nawindang lang nanay ko nun dahil bigla akong nag out at nagbitbit ng tibo nang walang kaabog abog.. kala ko non magagalit nanay ko at magkakaron ng world war III sa bahay.. hindi pala.. ok naman pala..wala palang problema..Naalala ko pa nun..umiyak pa ako sa harap ng nanay ko one time dahil niloko ako nang jowa kung butch.. niyakap nya lang ako, tapos sabi nya lang.. "ok lang yan, babae lang yan! ".. winner sa linya si mother!

Napagtantu ko ngayon na mali ang pananaw ko na wala pakiaalam nanay ko sakin. Ang totoo e naiintindihan nya pala ako at hinahayaan lang nya akong gawin ang mga bagay na nakakapag paligaya sakin. Hindi nya na ako tinanong kung bakit ako nag ka ganito o pinilit na mag bago..hindi nya ako kinahiya o ipinagtabuyan..

Naisip ko, tama nga mga kaibigan ko.. napaka swerte ko nga sa nanay ko.. kahit mahirap tanggapin..pinilit nyang intindihin ang sitwasyon ko..ang kalagayan ko..binigyan nya ako ng kalayaan para hindi ko na kailangan mag tago at mag kunwaring straight ako..minahal nya ang buo kung pagkatao..at higit sa lahat..hinayaan nya akong maging masaya..


15 comments:

she said...

perfect naman mare... naku swerte ka talaga... :) miss you mare...

Jhamy whoops! said...

@mareng she

hahah.. bongga nga e.. hay nako! miss u 2.. see u wen i see u!

Mel said...

sila nga nde naniniwala na nde ako adik eh, mag adik na lang kaya talaga ako mareng jamina?


sa tingin mo?

The Dork One said...

ang cool ng mom mo jams!!

yes you are lucky she let you be

==============

hey jhammy! i have a little request, can you replace my old url leviuqse.blogspot.com (retarded’s notebook) to my new one, http://www.retardedsnotebook.com

thanks thanks thanks!

have a great day!

onatdonuts said...

"ok lang yan, babae lang yan"

TAMA KA, PANALO SA LINYA NI MOTHER MO. hehe maswerte ka nga sa iyong mahal na ina. Nakakatuwa naman at ikaw ay masaya sa iyong buhay. Dun lang naman nagkakatalo ang lahat, hanapin lang natin kung saan tayo liligaya...at wala nang pakialamanan.

MAsaya ako para sayo, hangad ko ang iyong kaligayahan at tagumpay...samahan pa ng sandamakmak na salapi...salapi! salapi! hahaha

Peace! ;-)

Myk2ts said...

napapalakpak din ako sa mudra! winner. awww ilove my mom kahit di nya tanggap ang pagiging dyesebel ko :)

Jhamy whoops! said...

@mel

hayaan mo sila melnadro.. napaka judgemental naman nila.. lol.. sabihin mo kase hindi ka adik.. sira ulo lang.. dba.. kamusta na pala si brenda?? hehehehe

@alex

hello... sige po add ko po!! :)

Jhamy whoops! said...

@onats donats

hahaha.. korek ka!! winner talaga!! mas krung krung pa ata nanay ko sakin.. lol

ayyy gusto ko yun!!! kaligayan at samahan mo tang datung! bonnga!! hehehe

Jhamy whoops! said...

@myk2ts

haha.. winner nga si mama!! ok lang yan gerl... sooner or later matatangap den nila.. wala naman sila magagawa ee.. daba! laban lang bakla!!

Savage Heart said...

Winner nga si Mudra chang!!!

Akala ko bakla ka chang... lesbyana ka palang bakla ka hehehehe..... :)

Jhamy whoops! said...

@ronnan tristan

hindot ka!! ampness!! heheh!! gelay ako.. mukhang bading lang.. ajejeje!! winner nga si mama, napaka understanding! apir!

Anonymous said...

yan ang essense ng pagiging totoong nanay

Jhamy whoops! said...

@joshmarie

korek ka jan! mabuhay ang mga nanay na tulad ng nanay ko!! yahhooo!!

TENTAY™ said...

LOL JAM npagkamalan nnman bading. hahahahahah. i miss u!!

si mareng mykee nagyaya inuman, saturday mornin daw after sweldo sa trellis. punta ko. punta ka. di pwede hindi. lab u.

Jhamy whoops! said...

@tentay

oo nga.. ok lang mas mabute nang pagkamalang bading kaysa hayop! nyahahaha!! wala pang sweldo nun gerl.. adek ka ba!!!! bahala na si batman!!punta ka ha!!