Tuesday, November 11, 2008

Sa paskong darating..




Malapit na ang pasko.. at eto ang christmas list ko..

Computer

Portable DVD player

Bagong Cellphone

PSP

Digicam

Victoria Secret na handbag

New shoes

Madaming bagong clothes

2 tickets papuntang Disneyland



Ang dami kung gustong bilhin hindi naman kakasya ang 13th month pay ko..hehe...actually kulang pa ang mga nakalista sa itaas..hehe.. gusto ko kase pag dateng nang pasko lahat nang gamet ko bago.. lahat maganda.. yung tipong kakainggitan ako nang iba dahil ako meron sila wala.. Nag sesecond childhood ata ako.. adik talaga ako! tsk.. Lol

Pero tuwing nauwi ako pag tapos nang shift ko at nakikita ko ang mga batang papasok pag dumdaan ang jeep sa isang public school..naiisip ko.. sila kaya anung gusto nila sa pasko?magkakaron kaya sila nang bagong gamet ngayong pasko? anu kayang handa nila?

Pansin na pansin ko ang mga kupas at tagpi tagping bag na bitbit nila..ingat na ingat para hindi ito bumigay.. May mga naka school shoes.. may mga naka sneakers.. yung iba naman naka tsinelas lang.. Pinag lumaan na nang panahon ang mga suot nilang uniform.. tila minana pa nila ito sakanilang nakakatandang kapatid.. Ngunit..subalit..datapwat.. bakas sa muka nila na kahit hindi maganda ang mga gamit nila.. pursigido paden silang pumasok at mag aral..halos madapa dapa pa ang iba habang nagmamadaling pumasok para umabot sa flag ceremony.

Naiisip ko tuloy.. sa isang gadget na bibilhin ko.. sobra sobrang gamet ang mabibili nang mga batang yun.. Higit pa sa mga bags,uniforms at sapatos.. pati gamet pang pasok at sangkatutak na librong pwede nilang gamitin para sa kanilang pag aaral..Makikinabang talaga sila ng bonggang bongga! Pero higit pa sa materyal na bagay ang makakamtan nila.. Kaligayahan at pagasa..di ito kailan man matutumbasan nang kahit anung materyal na bagay..

Napaka selfish ko den pala kung minsan.. hindi ako ako makuntento.. ang mga materyal na bagay na gustong gusto kung bilhin, pansamantala lang namang mag bibigay saken nang kaligayahan..Napakabawbaw ko..walang kwentang mga hiling kung tutuusin..

Siguro ngayung pasko.. imbis na ibili ko na lang nang materyal na bagay.. itatago ko na lang.. chaka ishashare ko den sa iba ang blessings na binigay sakin.. siguro naman fair na yun..



Pero gusto ko paden talaga nang PSP!! hmmmmff!


5 comments:

Mel said...

lolz lahat tayu halos may christmas wish na! haha!

ok lang maging selfish, basta wag goldfish nyahay!

she :) said...

mare!!! share mo na lang sakin.. hahaha.. mishu na! bago na sched ko.. pwede na tayo lumabas pag sat.. pero di ngayong saturday ha. hehehe... mishu mare.. update kita.. :)

Myk2ts said...

AMPANGET NG SCHED KO HUHUHUHUHU

"ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS YOU"
--MARIAH :)

Jhamy whoops! said...

@mel

hahaha.. goldfish.. hmm.. may point ka jan pare!! apir!!

@she

mareee,.... talaga!! sige set naten! update mo ako!! miss u!!

@mykee

baetet?? anung sked mooooo?? waaa!! panu na ang videoke nateeen??

hayy.. gimik wont be the same w/o you mare!! hmmm..

tequilabreath said...

hmm, ano ba ang meron sa PSP na yan at parang lahat ng tao gusto ng PSP... hehe... :)