Wednesday, January 14, 2009

QA...QA.. QA..






Kung akala nyo patay na ako.. nag kakamali kayo.. buhay na buhay pa ako... naging busy lang ako lately dahil sa work.. Level up na po kase ang inyong lingkod..Mula sa simpleng mamamayan nang industryang pinapasukan ko.. ako ay binigyan nang pag kakataong maging isang QA Intern.. So simula December hangang sa kasalukuyan, ako ay walang sawang nakikinig, nag gragrade, nag sesend nang report, nag gegenerate nang templates (madugo!) at nag cocoach nang mga ahenteng tumatanggap nang tawag mula sa kabilang mundo..

Masaya? OO.. Challenging? Very.. Stressful? Naman.. Pero sabi nga nang mentor ko.. ( itago naten sya sa pangalang Maria Cecilia) kung hindi ko susubukan ang isang bagay, pano ko malalaman kung kaya ko ba o hindi..Halos mangiyak ngiyak nga ako nung una dahil sa work load ko.. Simula nang umupo ako sa entablado.. Ang Excel, Micrsoft Outlook at IM ang bago kung tropa.. Sama mo na si Pareng headset at katropang pen and paper! nakakawindang!!

Pero alam nyo buhay sa nang tao, hindi pwedeng puros petics ka na lang at lagi kang nasa comfort zone mo.. Hindi pwedeng makuntento ka na kung anung meron ka ngayon..at lalo hindi pwedeng mag paka stagnant ka sa isang situation na alam mo namang may mararating ka kung ipupush mo lang ang sarili mo para gawin yun..yan.. yan ang natutunan ko.. Onting piga nang utak..punas nang ilong dahil nakakanosebleed ang trabaho.. onting punas nang luha sa mga mata dahil halos 8 hours na nakatutok sa PC at kabig nang jacket dahil sobrang lamig sa office..Tadaaa!! QA na QA na ang dateng ko.. hahaha.. Feelingera! ugh!

Almost three years na ako sa call center.. Almost 3 years na akong ahente..Three years na ako nag chachaga at umaariba para gumanda ang stats ko para makakuha nang incentives.. Three years..geeesshh!!!

Ngayon napatunayan ko sa sarili ko.. Mas masarap paden maging ahente..hahaha!!!pero nahahahasa naman ang utak ko pagdating sa pagiging QA.. ( imaginin mo.. lahat nang brain cells ko gumgalaw)...Hayy.. oh well.. basta ang importante.. Kahit anu man katayuan naten sa buhay.. anu mang posisyon ang marating naten.. wag lang tayo mag popower tripping.. diba??bad yun... :P


Mabuhay kayong lahat!

8 comments:

she :) said...

mare! congratulations!!!! mishu!! :) naks... ibang level na pala ang amre ko... QA jham! congrats ulit...

abangan mo mare ang malaking pagbabago sa mare mo.. :)

canky.is.me said...

allergic ako sa mga QA hahaha joke! pero sabi nila masaya daw magmonitor ng mga calls

me said...

oi, congrats naman sa promotion! masaya yang promotion na yan. isipin mo na lang, while yung iba e nawawalan ng trabaho, ikaw e napromote pa.

emotera said...

level up up na ang jhamina...
QA na... sosyal...
ako laging Incident Report at coaching from QA nakukuha ko eh...
galing nman!!

congatz...:)

Jhamy whoops! said...

@mareng she

haha..salamat.. pero mas masarap paden ang maging agent sa totoo lang.. anu pag babago ito?? details please..

@canky

ganun.. yaan mo bibigyan kita nang anti allergy.. Lol

@spongebabe

salamat..salamat.. oo nga.. pero OIC plang ako..=)

@emotera

apply ka na kase dito samen bakla!! miss u!!

emotera said...

kalayo naman kasi nyang office nyo...
baka lalo akong lumiit pag dyan ako nag work..hahaha...

misshu 2...:)

sissysunofabeach said...

yes!!! congratulations bakla!!! at least di ba QA na! oo madugo talaga yan puro evals bakla!hehe pero isipin mo na lang na minsan may mga bloopers din mga agents na minsan tatumbling ka at yun ang nakakapagtanggal ng inip sa work!haha!:)

Jhamy whoops! said...

@emotera

bakla malapit lang swear.. kala mo lang malayo.. pero hindi... mabilis lang ang byahe.. try mo na!! hehheh

@cla

oo nga bakla.. hahaha!! wagi nga ang mga ganun.. very tiring lang trabaho! wala na ako buhay! ehehehe!! pero salamat... =)