
Minsan mapag laro talaga ang tandhana.. pinapaikot tayo nang panahon.. inuuto nang bawat pag kakataon.. Noong una akala mo ok na ang lahat.. walang bahid nang kamalian.. punong puno nang saya at ligaya.. Ni minsay d sumagi sa isip mong matatapos den pala ang lahat.. ngungit biglang magigising ka isang umaga na wala ka nang maramadaman.. Mga matatamis na ngiting binalot nang kalungkutan.. Mga katanungan hindi masagot.. Sakit na di malaman laman kung san nag simula..
Pilitin man ayusin ang gusot na hindi mo namalayang unti unti nang sumisira sa pundasyong nyong binuo nang pag mamahal at pag uunawa ay di na maayos ayos. Gustuhin mo mang magsimula ulet,Kalimutan ang lahat at isipin ang kinabukasan. Ngunit ang hirap nitong gawin.. Unti unti nang nababalot ang katauhan mo nang dilim at pag nanais na kumawala.. Lumisan.. Ang pagibig na dateng nag babigay sayo nang buhay ay biglang nag laho.. nag lahong parang bula..
Masakit tanggapin ang katotohanang wala nang naiwan, wala nang naitabi kahit karampot na pag mamahal na maaring bumuo ulit nang isang pagsasamamang lalong pagtitibay nang panahon. Wala nang ngiti, wala nang malalagkit na tinginan at walang nang mga halik na nakakabaliw.. Wala na..
Ano nga ba ang nangyare? Kahit ako hindi ko maipaliwanag.. Masakit, oo.. Nakakalungkot, oo.. Anu na lang ang natira? Mga alaala nang kahapong kay ganda.. Mga masasayang larawan marahil ngayon ay kupas na.. Ang pag ibig na noon kung anong sarap at tamis ay napalitan nang sakit at hinagpis..
Wala na... nawala na..
No comments:
Post a Comment