Tuesday, September 7, 2010

Eh birthday ko kase..kaya gusto ko sabihin to!






Aaminin ko...mejo malungkot ako noong kaarawan ko. Birthday blues sabi nang iba. Tingin ko may mas malalim na dahilan kung baket ako nakaramdam nang kalungkutan..hayy..




1. Unang una kase noong umuwi ako nang CDO, gusto ko makilala ang tatay ko. Hindi dahil hihingi ako nang pera o nang mana (pero pwede rin kung bibigyan ako. Lol). Gusto ko lang naman makaharap sya nang personal, makita kung anong itsura nya. Hindi naman ako mag tatanong. Hindi rin ako manunumbat. Gusto ko lang sya makita. Mag pakilala. Siguro sabhin na din skanya na ako anak na di nya kinilala. 27 na ako at nabuhay akong maayos. Nakakalungkot lang isipin na wala syang pakiaalam. Peste sya! sperm lang inambag nya.



2. Noong sumakay na ako nang airplane pauwi nang Manila, mangiyak ngiyak ako habang nag papaalam sa nanay ko at mga kapatid ko. Buti na lang naka shades ako at hindi nila nakikita ang kaulungkutan sa mga mata ko. Hindi naman talaga kame close nang nanay ko. Pate mga kapatid ko hindi na ako msyadong kilala.Pero sa hindi ko ma explikang dahilan, parang ayaw ko nang umuwi nang manila non. Gusto ko doon na lang ako kasama nang nanay ko. Gusto ko makitang lumaki mga kapatid ko. Gusto ko silang bantayan at gabayan. Nalulungkot talaga ako.



3. May mga tao akong nasaktan dahil sa desisyon na ginawa ko. Hindi maganda sa pakiramdam para saakin ang ganon. Kung pwede lang sana ako na lang palage ang nasasaktan tutal sanay naman ako. Napagtibay na ako nang panahon at kaya ko naman inadahin. Kahit sabihin mang maliit na kirot lang naman yung naramadaman nila, nakasakit paren ako. Ayuko nang ganon. Mga taong naging parte nang buhay ko. Mga naging tunay na kaibgan at karamay ko. Pasencia na kayo, alam ko kasalanan ko.



4. Alam ko mababaw, pero may pag kaisip bata talaga ako. Nalungkot ako kase wala akong surprise party. hahaha! Wala man lang nag bigay saken nag bulaklak. May mga nag bigay nang cake at sinamahan ako nung araw nang kaarawan ko. Pinasaya ako. Pinangiti. Ewan ko ba, siguro dahil ang ganda nang birthday ko last year.Kumpleto sa rekado. Hayaan na nga, second childhood lang tong nararamdaman ko.




Patuloy ang pag ikot nang mundo. Isang taon nanaman ang ang bibilangin ko para mag birthday ako. Sana mas marami akong matutunan ngayong taon..Sana mas umayos ang buhay ko..Sana lahat nang panalangin ko matupad..Sana mas marami akong maging kaibigan.. Alam ko naman sa bawat kalungkutang nararamdaman ko, may kapalit na kasayahan. Sa bawat problema may solusyon. Sa bawat saket o luha o hirap na mararanasan ko, alam ko kakayanin ko naman lahat yun. Pero sana talaga next year may surprise party na ako.. Lol.

4 comments:

eula ramos said...

oo nabulol ako.. kainis.. ako na nga mag cocoment may task pa na sabihin ang "NAKAKAPAGPABAGABAG" (at kinopy past ko lng yan ahaha baka ma-wrong spelling pa ako d ko na nga masabi tapos wrong spelling pa eh ano na lng kalalagyan ko dba..)

oie tapos na bday mo ng ginawa mo toh.. ahahaha

hhmm malalim ba te?? tara hukayin natin.. dali..

1. yun naman kasi eh.. gusto mo pa makilala d ka naman pala hihingi ng pera.. hhmm cge cge pede yan ako na lng hihingi ng pera ako na lng magiging sidekick mo..tapos ako na lng hihingi ng paman at pera wahahaha

peste nga siya te.. ano tara sunugin na ba natin?.. hehe.. isipin mo na lng tol na may dahilan ang lahat.. hhmm.. pero kung gusto mo talaga sunugin na nga lng natin.. pwamis manonood ka lng ako mag-e-execute ng lahat.. ako na magbubuhat ng gas pan buhos sa knya tapos for sure naman may lighter ka kasi yosi ka ng yosi.. ahaha.. kaso te request ikaw na magsindi ha.. baka pati ako umapoy lam mo na for sure matutuluan din ako ng gas lalo na kung madadapa ako lam mo namang lampa ako ahaha..

2. buti nga sumakay ka pa.. eh kung pinalangoy ka kaya malamang mas lalo ka ng umiyak at nalungkot dba.. nag rereklamo pa buti nga sumakay ka eh.. isipin mo na lng mas ok na yun kesa pinalangoy ka pabalik ng manila dba??..

3. te pana-panahon lng yan.. isipin mo na lng may mga nakasakit din naman sayo noon khit na wala ka naman masamang ginawa sa knila pero nasaktan ka rin naman dba??.. (at wag mong subukan na isipin na kasali ako dun sa nakasakit ha.. ahaha.. dahil d na tyo bati cge ka..)

4. pag kaisip bata?? sure ka jan te pagka lng??.. ahahaha.. hhmmm plawers lng pala eh.. kung alam ko lng edi pinadalan na kita.. no sweat.. aahahaha.. wait lng dba may jowa ka na?.. d man lng ba siya nag effort??.. hhmm yaan mo cge..

surprise party??.. hhhmm kailngan ba bday mo para sa surprise party??.. pede naman khit d mo bday dba?? wink wink hehehe..

talagang iikot ang mundo noh.. isang taon ang bibilangin mo cge ikaw na lng ako.. ayaw ko na magbilang tumatanda na ako eh.. pagdating jan tol cge ikaw na lng labas na ako jan i-resign being ur sidekick.. ahaha.. ayaw ko pa tumanda.. hahahahaha

Jhamy whoops! said...

wala kang magawa eula... baket d ka na lang gumawa nang sarili mong blog nang makagante naman ako? hahaha... hoy.. ako child-like lang.. ikaw child... child..mahilig sa child.. tingnan mo pate si jejemon pinatulan mo! bwaahahahah..

kahit ano gawin mo baluktot dila mo.. bat dmo pa braces yan nang dumerecho!

blehhhh!!!!!

eula ramos said...

aba aba.. at sumasagot pa.. ako gagawa ng blog.. ahaha.. wag na mabibigyan ka pa ng pagkakataon gumanti.. yaan mo na lng ako na lng lagi tumitira sayo ahaha.. at si jejemon d ko nga alam edad nun at.. ako kaya biniktima nun ahaha.. alam mo naman malabo mata ko tapos madilim pa eh ano na sa tingin mo nangyari.. ahahaha.. at sa child?? ako.. te.. matanda na nga yung bago ko oh.. ikaw talaga makakalimutin na.. lahat nga kyo ay sila lng pala.. matanda sa akin noh.. ahahaha

Jhamy whoops! said...

hahaha.. dami mong rason.. pacute ka naman nang pacute don nung nasa bar tayo.. hahaha! bngyan mo pa nga nang bulaklak dba? remember ako pa nga nag abot? hahaha.. at isinakay mo pa sa auto! bumalik ka pa nga don? hahahah ikaw na ikaw na ang madaming rason..

mas older nga ang bago mo ngayun.. sana mamanduhan ka para mag tino tino ka na! hahahahahahaha!!