Tuesday, January 25, 2011

Tsug*Tsug*


Daming nangyare saken this past few months. Sa love life.. sa work.. Sa buhay.. Minsan naisip ko napakagaling ko palang tao, kase nakakaya ko lahat. Superwoman ika nga nila. Pero kung iaanalyze mo naman ang mga nangyayare saken, wala pa sa kalingkingan yan sa mga naranasan nang ibang tao. Maraming ganon ah. Isang kahig isang tuka kung tawagin nila. Nagtitiis para mabuhay. Nagtitipid para makatulong sa pamilya. Kung san sang sulok nang mundo mo sila makikita. Pwedeng officemate, pwedeng kapitbahay, pwedeng isa sa mga nakakasalubong naten pag umuuwi tayo sa trabaho. Nakabanga mo sa MRT, nakasabay mo sa BUS o jeep, nakatabi sa tindahan o nakita mong nagsasayaw sa entablado..

Siguro may two weeks naden nung nakapasok ako sa isang girly bar na pag mamayare nang kaibgan nang gf ko. Hindi naman sya bonggang bar na alam mong puros mayayaman at sikat ang naktambay. Simple lang sya, decente nga kung titingnan kumpara mo sa mga pipichuging bar na madadaanan sa marcos highway o san man. Dito nakita ko pano sila mag trabaho. kung anong hirap ang nararanasan nila para magkaron lang sila nang allowance pang araw araw. kelangan nilang uminom, minsan piliting uminom para lang maka quota.Para buo ang perang ibibigay sakanila. kelangan nilang mag pahawak, umarteng tuwang tuwa sila sa customer na kasama nila. Kahit alam mong kung bibigyan naman sila nang pag kakataon eh sasaksakin nalang nila sa leeg para manahimik.

Natanong ko ang kaibgan nang gf ko, baket tuwing nag sasayaw sila, wala akong maaninag nang ngiti na sumasabay sa indak nang tutugin. Ang sabi naman nya, " eh kung ganyan ba naman mga customer mo, talagang hindi ka gaganahan". Napatingin tuloy ako, nag masid. Oo nga naman, kung ang mga customer mo eh mga manong na hayok sa laman eh hindi ka naman talaga gaganahan. Kung mga lalakeng tipong isang libag na lang ang hindi pumipirma sa katawan nila para matawag silang taong grasa, hindi nakakainganyo. Pakshet sabi ko sa sarili ko! Sana may requirement ang bar na yun. Bawal ang mga ganong klaseng tao.

Hindi ko kinukutya o d naman kaya minamata ang ganong klaseg trabaho, bagkos naging palaisipan saken ang buhay nila. Kung anong merong ugali ang mga babae nag tratrabaho sa bar. Kung mas totoo ba silang tao kumpara mo sa ibang tao na mas malake ang sweldo kaysa skanila.


Alam ko naman na ang buhay nang tao e nakadepende sa capabilidad nang bawat nilalang. Diskarte.Tyaga. Choice. Kung ako nag sisipag ako mag trabaho sa call center para mabuhay kahit mala black eye na eyebags ko, isang kutsara na lang dugo ko sa katawan dahil sa kakapupuyat, halos isuka ko na ang pag eenglish at mamatay matay na ako sa dami nang trabaho, sila naman mas gusto nilang mag trabaho sa bar sa anong kadahilanan d ko pa natatanong sakanila.

Pero like what I always say, everybody has a choice. You make a decision you live with it.Whatever is the consequence, you have to face it.

No comments: