
Part 1 :Click here
Simula nang nangyare kay Belinda at Simonne, hindi na sila kelan man nag hiwalay. Halos araw araw na silang mag kasama. Sinusundo ni Belinda si Simonne sa kanyang trabaho at sabay silang nag didinner. Minsan magugulat na lang si Simonne dahil nag papadala nang lunch o isang dosenang rosas si Belinda sakanyang opisina. Hindi maipaliwanag ni Simonne ang kanyang nararamdaman. Tila sasabog ang kanyang puso sa galak tuwing silay mag kasama ni Belinda. Ang tamis nang kanyang labi. Ang mga ngiti nyang nakakatunaw. Mga matang nang aakit. Wala naman silang pinag usapang set up. Hindi den sila nag sasabihan nang i love you. Pero hindi naman importante kay Simonne yun. Sa isip isip nya, hayaan na lang nyang i-explore muna ang mundo ni Belinda. Basta masaya sila, sapat na yon sakanya.
Earth to Simonne? Hello! Sigaw ni Mimi kay Simonne habang pinapalo sya nang pamaypay sa braso.
What the? Ano bang problema mo? Bat mo ba ako pinapalo Mimi, singhal naman ni Simonne.
Aba Simonne, kanina pa ako nag uusap dito e hindi ka man lang na rereact, wika ni Mimi. Alam mo hindi na kita maintindihan e, lage kang tulala. nakaabang sa cellphone mo. ngumingiti mag isa. lagi ka na lang wala dito sa apartment bakla! napak mysterious nang lover boy mo! inlove na inlove ka sa taong nag papadala sayo nang kung ano ano sa office. kilala mo ba yon?
OO naman kilala ko, matipid na sago ni Simonne.
E baket ayaw mo pakilala saken? Kala ko ba bffs tayo? tanong ni Mimi.
Saka na, complekado kase. Basta papakilala ko sayo, promise ni Simonne kay Mimi.
Anyways, sabi ni Mimi..as I was saying uuwi muna ako sa Bicol this Monday. Nag file na ako nang leave. Kelangan ko kase asikasuhin yung business namen doon. Alam mo naman, ang isang hacienderang tulad ko e kelangan matuto kung pano patatakbuhin ang mga hecta-hectarya nameng lupain.
Tigilan mo nga ako, sagot ni Simonne kay Mimi sabay bato nang throw pillow. Hecta-hectaryang lupain? Eh, baboyan lang ang meron kayo ha? dugtong neto.
Alam mo friend minsan try mo sumakay saken, sabi ni Mimi Sabay simangot. Ah basta wala ako dito next week. Mga 3 or 4 days lang naman. Kasama ko si Joel. Nakangising wika nito.
si Joel g4 na call center boy? Baket kayo na? tanong ni Simonne.
OO sagot ni Mimi. Nung isang araw lang. Kala mo ikaw lang ang may love life huh. Papakilala ko sya kay Mama at Papa.
Kasalan na ba ang susunod? Pabirong tanong ni Simonne.
Bago nakasagot si Mimi biglang tumonog ang cellphone ni Simonne.
Busy? Kawawa naman ako. ako lang magisa sa condo, tapos umorder ako nang pizza. Wala naman ako kasalo. Baka may ka kilala ka na pwede akong samahan ngayon? :)
Nagreply naman si Simonne..
Hmm.. anong flavor?
Pepperoni and mushroom with extra cheese.. reply naman sakanya..
I'll be there in less than an hour...sagot ni Simonne.
O ano nang sgot mo?at nag iisip ka pa jan kunware! kasalan na ba? Tanong ni Simonne.
Sana.. kilig na kilig na sagot ni Mimi.
Ingat ka lang Mimi baka masaktan ka nanaman,seryosong sagot ni Simonne.
Wag kang bad vibes Rosales. Wag ganon.. sagot ni Mimi.
Bahala ka nga, basta binalaan kita.. Alis muna pala ako, paalam ni Simonne kay Mimi. Lock mo na lang yung pinto baka bukas na ako umuwi.
Landi mo! sabi ni Mimi kay Simonne .
Mana sayo sagot ni Simonne sabay pasok sa kanyang silid para ayusin ang gamit na kanyang dadalhin.
Hey! bati ni Simonne kay Belinda nang bukasan nya ang pinto nang condo nya.
Lumapit si Belinda at hinalikan nya si Simonne sa kanyang labi. Kinilig bigla si Simonne.
Come in, come in. pag papatuloy ni Belinda. Akala ko di ka na pupunta. Tagal mo eh! wika ni Belinda saba'y talikod,kunware'y nag tatampo.
Eto naman, sagot ni Simonne sabay yakap sa bewang ni Belinda. Ang hirap po sumakay nang cab.
Humarap si Belinda at hinalikan nya uli si Simonne.Nag bigay nang kakaibang sensasyon ito kay Simonne. Ang mga halik na mararahan ay unti unting dumidiin. Nang silay maghiwalay, nakapikit paden si Simonne. Pinag masdan ni Belinda si Simonne. Nang naramdam nyang didilat na ang mga mata ni Simonne ay dali daling dumukot si Belinda sakanyang bulsa.
Nang dumilat si Simonne, nanlake ang kanyang mata sa nakaharap sakanya. Isang singsing na nababalutan nang maliliit na bato.
Im inlove with you, pabulong na wika ni Belinda kay Simonne habang dahan dahan nyang sinusuot ang singsing sa kamay ni Belinda.
Hindi makapag salita si Simonne. Bigla na lang tumulo ang kanyang luha. Halong tuwa at takot ang kanyang naramdaman.
Wag ka umiyak please, baka isipin mo pinag mamadali kita or something. Take all the time that you want para makapag isip, gusto ko lang malaman mo na mahal kita.. pag eexplika ni Belinda.
Tara kain na tayo.. yaya ni Belinda kay Simonne pagkatapus nyang punasan ang mga luhang pumpatak sa kanyang mata. Nagsimulang mag lakad si Belinda patungo sa kanyang kitchen upang ayusin ang kanilang dinner nang narinig nyang nag salita si Simonne.
Mahal din kita..
Lumingon si Belinda, Anong sabi mo ulit? tanong nya..
Mahal den kita Belinda.. sagot ni Simonne..
lumapit si Belinda kay Simonne at hinagkan nya to nang mahigpit..
Promise..I'll take care of you.. i love you Simonne..
I love you too Belinda..