Part 1: Click here-1
Part 2:Click here-2

Hindi makapaniwala si Simonne na pumasok sya sa ganong relasyon. Si Simonne na pinagkakaguluhan nang mga lalake mula high school hangang college. President nang council, member nang volleyball team, prom queen, deans lister..maganda, matalino, perfect sa mata nang madaming tao.. At si Belinda, di rin nya akalaing babae ang gusto nya. Miss popular, kina-iinggitan nang karamihan dahil sa taglay nyang ganda, yaman at karisma. Habang patuloy na iniisip at inaanalyze ni Simonne ang mga pangyayare, hindi nya maiwasang mapangiti at mapailing. Naninibago lang siguro ako, sa isip isip nya. Nagaadjust pa sya mga pangyayare.
Friend? Tawag ni Mimi habang kinakatok ang kwarto ni Simmone. Tulog ka na ba? tanong nang kanyang kaibigan.
Hindi pa, pasok ka sagot naman ni Simonne. Pumasok si Mimi, at naglakad pabalik balik sa harap ni Simonne.
Hoy Mimi, nahihilo ako sayo! may problema ka ba? tanong ni Simonne sa kanyang kaibigan. Muka ba akong me problema Simonne? titigan mo ako, palagay mo me problema ako? Pabirong sagot ni Mimi. Eh, lukaret ka, nahihilo ako sa kakalakad mo..
Kilala kita Mimi, alam kung may bumabagabag sayo, ano wala ka nanamang pera no? hay nako Mimi, tigil tigilan mo na ang panlalalake at wala ka namang nahihita, sabi ni Simonne sabay hagis nang unan kay Mimi. Hoy! excuse me ah, sagot naman ni Mimi nakataas ang kilay. Hindi lalake ang problema ko! E ano, tanong ule ni Simonne. Umupo sa lapag si Mimi at tiningnan si Simonne derestso sa mata. Friend, kase ano.. tanong ko lang, super close kayo ni Belinda no? Eh kelan lang kayo nag kakilala. Wala pa atang 2 weeks. Napabuntong hininga si Simonne, nagtatalo sa loob nya kung sasabihin ba nya sa matalik nyang kaibgan ang nagaganap sakanilang dalawa ni Belinda. May halong kaba at takot ang nararamdaman ni Simonne. Pinagpapalit mo na ba ako? tanong ule ni Mimi, na may halong tampo sa boses neto. Of course not Mimi, mabilisang sagot ni Simonne, Alam mong forever na bffs tayo. Huminga nang malalim si Simonne at pagkatapos ay ikunwento nya ang mga kaganapan mula noong nagkasama sila ni Belinda hangang sa nag kaaminan sila.
Napanganga si Mimi at biglang sigaw, OMG! Hindi ko akalaing tomboy ka Simonne! Baka my HD ka den saken no? Grabe friend, kaya pala hindi ka nag boboyfriend!
Binatukan ni Simonne si Mimi, ang kapal mo ha.. eww!
Lakas maka- eww ha! sagot neto na kunwareng nag tatampo..
Eto naman, hindi ka na mabiro,,, pero ewan ko ba friend! iba kase ung feeling eh. biglang.. boom! alam mo yun... sagot ni Simonne kay
Mimi. hmm... sabagay! Pero alam mo, kalat naman sa school noon na nag gigirlfriend si Belinda, kwento ni Mimi.. Ang daming nanliligaw jan, pero wala naman syang sinagot. Naconfirm lang na babae ang gusto nya nung makita nang isang varsity player nang soccer si Belinda at Mitch, magkaholding hands habang naglalakad sa field. Sino si Mitch? Tanong ni Simonne. Si Mitch.. Olga Mitchiko Lee ang buo nyang pangalan, Cheer captain nang school namen. Diba remember, sabi ko schoolmates kame ni Belinda,
wika ni Mimi. Ayun nga, pagpapatuloy nya, Mitch ang tawag sa kanya nang lahat. Parang ikaw nga yon, beauty and brains. President nang science club, miss intrams. Alam ko top student pa nga sya. Ayun, so lahat nga nang tao, nagulat sa revelations nila. Everytime naman na tinatanong sila, hindi nila dine-deny hindi den nila cino-confirm. So hinyaan na lang sila nang mga tao sa school.. Pinagpapatasyahan nalang sila. Shempre two hot girls. Natigilan si Mimi, tiningnan si Simonne sabay tanong, baket? hindi ba nya nakwento sayo yun? Nakwento naman, pero hindi detalyado..matipid na sagot ni Simonne. Nako, wag kang mainsecure doon Simonne, mag higit naman maganda ka doon at matalino.. Matipid na ngiti lang ang binalik ni Simonne kay Mimi.
The following night, naisipang i-surprise si Belinda. Bumili nang Pizza at beer si Simonne. Excited syang makita si Belinda para ikwento nya na nag out na sya kay Mimi. Tinext nya si Belinda bago sya pumunta sa condo. "Cant wait to see you, darling. I have a surprise for you". Hindi naman nag text back si Belinda. Inisip ni Simonne na baka nakatulog sya o naka silent ang phone ni Belinda. Kumakanta kanta pa si Simonne habang naglalakad patungo sa condo ni Belinda. Nag doorbell sya, once..twice.. that's weird, sabi ni Simonne sa kanyang sarili.. nung pangatlongn ring nya..bumukas ang pinto, at lumabas ang isang babaeng ubod nang ganda.
Yes? tanong nang babae. Hindi makapag salita agad si Simonne, parang may bunmara sa lalamunan nya. Miss? Are you okay? Are you looking for somone? tanong ule nang babae.
Ahh,, umm friend ako ni Belinda.. Mitch sino yan? Papasukin mo muna, magbibihis lang ako. Sigaw ni Belinda mula sa kwarto.
Okay Belle..Come in, alok nang babae.
Nako! sagot ni Simonne, habang pinipigilang tumulo ang kanyang mga luha. Inutusan..Inutusan lang ako ni Belinda bumili neto, sabay abot nang box nag pizza at plastic na may beer.
Hay, she never changed talaga, lageng nagpapautos. Thanks ha, by the way Im Mitch and you are? tanong nang babae habang inextend ang kanyang kamay..
Uh, Im.. Sim.. Simonne, nice meeting you habang nakikipag kamay sa babae.
I have to go Mitch. Paki sabi na lang kay Belinda, nag mamadali kase ako eh, pagpapaalam ni Simonne. Tumalikod na si Simonne at hindi na hinyaang pilitin sya ng babae.. nagmamadaling maglakad si Simonne dahil alam nyang anytime babagsak na ang mga luha mula sa kanyang mga mata..Hindi na sya nag elevator.. Dumaan sya sa fire exit, at doon lumagi muna upang umiyak. Mga ilang minuto den syang nanatili doon.. Nung medyo lumuwag ang kanyang pakiramdam, bumababa sya sa susunod na floor at doon nang elevator.. Dahan syang naglakad papalabas nang elevator pagdateng nang ground floor, hindi parin sya makapaniwala na ginawa ni Belinda skanya to.. Ramdam na ramdam nya ang saket at galet...pag labas nya nang condo, nakita nya si Belinda, mag tatago sana sya pero nakita sya neto agad. Simonne, lumapit agad si Belinda at hinawakan ang kamay ni Simonne.
Utang na loob Belinda, ayuko ng eskandalo, umalis ka harapan ko.uuwi na ako pabulong ngunit gigil na sabi ni Simonne ke Belinda.
Please, let me explain, pagsusumamo ni Belinda. Tiningnan ni Simonne si Belinda, tumulo ang mga luha ni Simonne. Pero imbis na pakinggan ni Simonne si Belinda, tinabig nya si Belinda at dali-daling naglakad. Hindi nya nilingon pa si Belinda, na sinisigaw ang pangalan nya habang syay papalayo...
2 comments:
WWWaaahhHHH Nasaan ang part 4? :)
Hindi ako masyadong demanding ha...
- juanita
BITIN!!! ASAN UN KARUGTONG???
Post a Comment