Parang buhay ko... ang dami kung gustong gawin.. gustong maranasan..ang dami kung gustong patunayan sa sarili ko.. ngunit hindi na pwede ngayon... mas maraming importanteng dapat gawin.. mas maraming kelengang tuonan ng pansin...kulang ang oras.. madaming nasayang na panahon...

Naalala ko nun... (muni..muni..)
Sana pinagpatuloy ko ng lang ang kurso kung AB commarts, e di sana magandang nakasabit ang diploma ko sa dingding namen ngayon.. (nagtratrabaho na sana ako sa isang advertising company ngayun.. sigh!)
Sana tinuloy ko yung interview ko sa isang kompanyang nagpapadala ng mga tao sa ibang bansa para pag trabaho..nasa Dubai na sana ako ngayon.. (yaan mo na nga!)
Sana pumunta ako sa kaibigan ko nung tinext nya ako na may raket syang i-sasali ako.. Nakarampa sana ako sa catwalk non... (tinatamad kasi ako nun!sayang!)
Sana pinagpatuloy ko yung pag cho-choir ko.. maayos sana boses ko ngayon.hindi parang grade 2 na kumakanta.. ( hay!)
Sana pinilit kung hindi gumastos at nag ipon ako.. May sariling bank account na sana ako ngayon.. (san nga ba napunta pera ko?)
Sana nag milo best ako nung bata ako.. magaling na sana akong gymnast o swimmer ngayon..(batang kalye kase ako noon!)
Sana nung umuwi akong Cagayan de Oro, pinilit kung makipagkita sa totoong tatay ko kahit na ayaw nya... (Makahingi man lang ng pamasko.. joke!)
Madami pa akong "frustrations" sa buhay.. kung iisa-isahin ko pa e..e baka tamarin lang kayu sa kakabasa o maawa kayo sakin..
Sa buhay nang tao minsan lang dumating ang pagkakataon.. minsan kung kelan hindi mo hinihiling saka naman dumadating.. kung kelan gustong gusto mo na.. ginawa mo ng lahat makamit lang ang ninanais mo.. lalo namang lumalayo ang oportunidad sayo..
Sabi nga ng isang banyagang mangaawit "Isn't it ironic, don't you think?".. Totoo naman diba? Kaya alisin natin ang habit nating "yaan mo na yun" o "saka na lang".. Kasi minsan lang dumating ang swerte.. minsan lang dumating ang bagay ni sa panaginip hindi mo maabot abot..
Kaya habang maaga pa.. habang my oras.. gawin muna.. Baka magsisi kabandang huli..
Ika nga ng office mate ko "laban lang Bakla!"
ciao!ciao!
note: bawal magreklamo kung mali mali spelling ko ng tagalog.. mahirap eh! hihi!!
1 comment:
ang sad naman. now you know un mga what if's mo, laban nga laban! ditu lan aku kht di halata. hehe!
Post a Comment