Wednesday, October 22, 2008

Love VS. Like







It is very hard to distinguish the difference between liking and loving. Sometimes you can never tell if you are starting to feel love or your heart is just playing tricks on you. But from the meaning itself.. Liking is...Fondness..admiration.. now that doesn't necessarily mean that love is involved, right?

Sometimes I don't get the idea why people say that they have developed a romantic feeling towards someone even though they've only met once.. or twice.. I'm not saying that its impossible to happen. But for Christ's sake, how can you love someone if you don't even know what's her true personality?

Maybe that's the reason why I don't believe in Love at first sight. It's so pathetic. Hindi naman tayu instant noodles diba? and please there are certain aspects that needs to be considered before you finally tell yourself that yes, you are truly in love.

The bottom line is.. there's a fine line between loving and liking. Never assume that you love the person or you are falling for the person just because your comfortable when you're with her and she makes you feel special. Love is a process.. you don't have to be in a hurry..why? because you might end up falling with nobody catching you..




Masakit yun diba?

Tuesday, October 21, 2008

My song..

I Keep Fallin'
Alicia Keys

I keep on fallin’
In and out of love With you
Sometimes I love ya
Sometimes you make me blue
Sometimes I feel good
At times I feel used
Lovin you darlin’
Makes me so confused

I keep on Fallin’
In and out of love with you
I never loved someone
The way that I love you

Oh, oh, I never felt this way
How do you give me so much pleasure
And cause me so much pain
Just when I think
I've taken more than would a fool
I start fallin’ back in love
with you

I keep onFallin’
In and out of love with youI
never loved someone
The way that I love you

Oh baby
I, I, I, I’m fallin’
I, I, I, I’m fallin’
Fallin

I keep on Fallin’
In and out of love with you
I never loved someone
The way that I love you

I keep on Fallin’
In and out of love with you
I never loved someone
The way that I love you

I'm fallin’
In and out of love with you
I never loved someone
The way that I love you


EB pics




From left to right: She, Myk2ts,Tequilabreath,Jham, Tentay and Mel


From left to right : Kagandahan, Butch (kuno!), Asexual, Di tiyak, Sobrang dyosa at Dyosa lang.

Monday, October 20, 2008

Ibat ibang anglo nang pag mamahal..




Lahat naman tayo nag hahangad nang totoong pagmamahal. Lahat tayo kapag nag mahal, lageng nateng iniisip na ang dumating na taong yun ay ang taong makakasama naten habang buhay...

Pero may iba...sa sobrang pag mamadaling maghanap ang taong mag papasaya sakanila, imbis na mag lakad.. tumatakbo.. nagmamadali..kung minsa'y hindi nagiisip.. mapakitaan lang nang kabutihan,perfect combination na. mabigyan lang nang bulaklak na inlove na...kaya anung ending? may sugat na.. may peklat pang nakatatak sa puso na kahit kelan ay hinding hindi na mabubura..

Yung iba naman, tapos na ang lahat.. suyo paden nang suyo..nag dadasal na baka ma aayos pa ang mga bagay na hindi nila napag kasunduan.. Umaasang sa papamagitan nang pagiging tanga.. lilingon uli ang taong mahal nya, at aayusin ang relasyong puno na nang lamat..

May mga sitawasyong deng hindi mo maexplika kung bakit napupunta sa wala ang isang relasyon. Kung titingan mo sa malayo, wala kang makikitang bahid nang kamalian. Maiingit ka pa nga dahil nag mamahalan sila nang tunay. Pero kung sisipatin mong mabuti at pag mamasdan.. makikita mong sa loob..marami palang problema.. nagkakasakitan na pala.. sa sobrang lapit nila sa isat isa, hindi na nila makita ang problemang sumisira sa pundasyong binuo nila.. hindi nila namamalayan na matagal na palang gumuho ang relasyong naging sentro nang mga buhay nila.

Ang iba nama'y patay malisya na lang sa mga problema. Nakahain na nga lahat lahat, nag bubulag bulagan pa. Nawalan na nang gana ang isa, hindi paren pinapansin..walang ginagawa..hindi nag iisip nang sulosyon..manhid..in short, patay na ang relasyong minsang bumuhay sa kanilang dalawa..

Hindi ba.. pag nagmamahal ka, dapat masaya.. walang problema..walang sakit na nararamdaman.. Pero bakit nangyayare ang mga sitwaysong nakasaad sa itaas? dahil ba maling tao ang minahal? wrong timing ba? meron sakanila ang mas nag mahal.. hindi balanse, o kaya naman hindi sapat?

Bakit kaya ganun? Akala ko tuloy nung bata ako.. masarap mag mahal.. masaya.. hindi pala.. may hangganan pala ang lahat.. pili lang pala ang mapapalang natutupad ang mga love stories nila..

Ikaw? anung naranasan mo na bang mag mahal? anu namang kwento mo?



EB namen..





Date: October 18, 2008

Day: Saturday

Time: Around 7am

Venue: Trellis Market!Market


Last saturday.. natupad na ang plano nameng mga bloggera na mag meet.. EB of the century! Mejo jahe pa nga ako lumapit nun kase hindi naman ako sanay makipag eb.. bakla ng taon nga daw ako sabi ni Mareng She.. But..Finally, nagkitakita den kame.. Ako, sila Tentay, Myk2ts, Tequilabreath at Si Mareng She..

Usapan namen 7am.. So kame nila Myk2ts at She sakto lang ang dateng.. May dalawang late.. Si Tentay.. na pag dateng pusturang pustura..kala mo pupuntang concierto.. at si Doc F. (Tequila), na almost 9am na nagpakita..

Hindi naman kme nagpakalango.. tamang inom lang.. enjoy enjoy.. sharing ang naganap mga kapatid.. nagka labasan nang kanya kanyang kwento tungkol sa mga lovelife.. may bitter butter, may nag rereklamo, may nakakaiyak na kwento at may nag papakamestiryosa.. Panalo ang pag ka kulit ni Myk2ts..hindi ko kinaya ang mga punch lines.. labas ngala-ngala ko kakatawa!!infairness ha.. nung una pinagkamalan namen syang lesbyana..hahaha!! Si Mareng she, poise..sopistikada.. Si doc F, ayun maya't maya may kausap na pasyente sa phone..hehe..

My mga non showbiz friends den kameng kasama.. Bitbit ko ang dyosang kung friend na si Mel (na magkakaron nang blog at ang URL ay anungpinakamasakitsamasakit.blogspot.com) at friend nila Mareng She at Myk2ts na si Ella..ella..ella.. :)

Pero over all impact, uber!!sobrang saya!! sana maulit ulit.. at next tym.. sasama na si Shamy (emoterang nurse) at kung sino pang gustong maki-EB samen..



susunod: Videoke naman..

Thursday, October 16, 2008

Dahil emo sila.. pati ako nahahawa..






Hangang saan ang kaya mong gawin kapag nagmamahal ka? willing ka bang mag pakatanga ng bonggang bongga para hindi mawala ang taong nag papasaya nang puso mo? kaya mo bang gawin lahat nang pinapapagawa sayo, kahit alam mong the feeling is not matual?

Habang nag mamasid masid ako at pinapakinggan ang problema nang mga kaibigan ko tungkol sa love life nila bigla kung napagtanto na napaka daya talaga nang pag ibig.. Kung sino pa ang mga mababait at seryoso sila pa ang nagagalusan at nasasaktan.. samantala ang mga taong walang ginawa kundi manakit at manloko.. prenteng prente pa.. kampante.. secured..

Bakit ba kase pinaglulupitan nang tadhana ang mga taong tapat mag mahal? To think sila yung nag sasacrifice at sila yung laging nagbibigay.. sila yung mahaba ang pasensya.. sila ang laging umiintindi..sila lahat.. lagi na lang ba sila?

Hangang kelan ba dapat magtiis ang isang taong nagmamahal?hangang kelan ba sila mag bubulag bulagan?kelan ba mauubos ang luha? kelan ba titigil ang sakit na nararamdaman nang mga taong walang ginawa kundi magbigay at magmahal nang totoo? Kelan matatapos ang emo mode nila? Hanngang kelan kaya sila aasa?



Isa lang ang konklusyon ko..at nasabi ko na to noon..



Kung hindi banlag o duling si kupido.. kailangan nya mag training nang Archery...

Monday, October 13, 2008

Questions..










(Salamat mareng myk2ts.. ahahaha..)






1. Raincoat, umbrella o sugod sa ulan?
>sugod na lang.. ayoko nga nag dadala ng payong.. nakakasira nang outfit.. hahaha

2. Sometimes you hate cellphones because _____?
> sagabal sa mga lakad...heheh..

3. Paano mo patayin ang ipis?
>paluin mo nang kahit na anung matigas.. pwede..walis..tsinelas o kung carry mo kamayin mo na lang...

4.Anong una mong pinupuntahan sa mall?
>depende.. minsan sa fave clothing shop ko.. or pwede den sa grocery..o sa may mga sale..

5. Nahulog ka na ba sa stairs?
> dalawang beses na.. yung una.. perfect na perfect.. natulak ako nang barkada ko.. at tumambling akong literal..
> yung second.. muntikan na sa elbow room.. pauwi na ako.. sumabit ang takong ko sa step, buti nalang at nakahawak ako sa railings kung hindi sira ang outfit ko.. (naka corp ako nun)

6. Message mo sa mahal mo?
>mahal kita.. kahit minsan feeling ko wala kang pakiaalam sakin.. (gumaganon?)

8. Naiilang ka ba pag ikaw lang ang kumakain at nakatingin sila sayo?
>minsan.. pero pag gutom ako.. wala akong pakiaalam.. pero mamimigay den naman ako..

9. Bakit may mga taong manhid?
> yan ang di ko alam.. cguro masyado lang silang self centered at hindi nila nawawalayan ang mga nakapalibot sakanila..

10. Pano ka magalit?
>tahimik lang ako.. pweo kapag sumobra.. gera na to..

11. Anong Maganda/Masarap Gawin sa Outing w/ Barkada?
>shempre.. wala nang tatalo sa....LASINGAN!! heheeh

12. How was your 2008 Summer?
>nagtrabaho nang nag trabaho ng nag trabaho.. in short.. walang buhay!

13. How long was your longest telebabad?
> hindi ako mahilig magtelebabad e.. siguro hangang 15-30 mins lang..

14. Last place you've been to?
>Sa bahay nila Mia at Yeah.. nag inuman!

15. They say you are:
>adik daw ako..abnormal ba.. hindi kaya!! hahaha..

16. How old are you?
>25

17. Last thing you drank?
>H2o..

18. You want to?
>Go home and sleep..

19. Bakit naman?
> masmasarap matulog kaysa magtrabaho!

20. Mahirap bang umasa?
> oo naman.. nagmumukha kaseng tanga ee!! heheh!!

21. Anong nafe-feel mo ngayon?
> ang kati nang lalamunan ko at inaantok pa ako!!

22. What's the last thing you did?
>mag check ng mails,mag login sa lesbit at lezpinay

23. Last person you talked to.
> Kuya Marvin

25. Do you receive sweet txt messages?
>havent check my mobile yet..

26. Busy ka ba?
>nag bubusy-busyhan! hehe

27. Did you get sick this month?
> awa ng diyos.. ubo lang naman.. dahil sa allergy ko sa pabango! hehe!

Thursday, October 9, 2008

Tequilabreath's promise..





Promise mo diba.. zoom mo para makita mo doc!! hehehe!!!see you October 18, 2008.. before 9:00am.. Market!Market!

Wednesday, October 8, 2008

Tumambling ka muna...





ex: ..anu tayu na uli..

me: ..sira ulo ka ba..my jowa ka na diba..adik!

ex: ..sus! wala yun..hindi nga..ano? (sabay akbay)

me: ..para kang tanga..

ex: ..anu nga?

me: ..babalikan kita kapag nagtumbling ka ng mula kanto ng street na to..hangang sa dulo..

ex: ..sige..


Labasan kameng lahat..pumunta sa dulo..


me: ..anu..

ex: ..eto na..


(tumbling.. tumbling..tumbling..)


ex: ..nahihilo na ako eeeee..

me: ..malayo pa..

ex: ..hay.. oo nga...


( more tumblings....)

Nang na 1/4 na nya ang kalsada...


ex: (napaupo sabay biglang umiyak) ..eeee bakit kayu tumatawa?

me: ..T****** mo pala sabi mo kaya mo eh..

ex: (umiiyak paden) ..pinagmumukha mo akong tanga eeee!

me: ..bakit pinilit ba kita hah?

ex: ..hikbi.. hikbi..



Minsan, para makaisa ka sa mga exe mong gumago sayo.. kelangan mong magisip nang paraan para sila naman ang mag mukhang tanga..



"matalino man ang matsing.. naiisahan parin"

Tuesday, October 7, 2008

After 25 years



Sa 25 years kung nakatira sa mundong ibabaw.. natutunan kung..


1. Iba ang Love sa "kilig"..

2. You cannot please everybody..

3. Hindi lahat ng kaibigan mo.. kaibigan mo..

4. Masakit umibig.. pero mas masakit ang maloko..

5. Maraming players sa mundo.. dapat mag ingat..

6. Hindi lang pag ibig ang nag papaikot sa mundo..

7. Hindi iiyak ang mundo para sayo..

8. Nanjan lang palagi si "Karmy" Karma..

9. Wala kang mapapala kung mangangrap ka lang.. kelangan mo gumawa ng paraan para matupad ito..

10. Tawanan ang problema.. pero wag kalimutang gawan ito nang solusyon..

11. Hindi ka pwedeng maging "Asa Barandal".. kelangan magtrabaho para mabuhay..

12. Minsan kelangan mong mamili ng kaibigan..

13. Kelangan mong maging madiskarte para hindi ka mapagiwanan..

14. Iwasang magkautang.. para iwas sakit ng ulo (credit cards, loans..)

15. OK lang uminom, magyosi at gumimik.. wag lang sobra sobra..

16. Kelanganng magipon..para sa future at para may huhugutin pag emergencies..

17. Dapat mag enjoy naman paminsan, wag masyadong mag pakasubsob sa trabaho..nakakatanda!

18. Maging totoo sa sarili.. hindi kailangang mag sinungaling sa ibang tao para magustuhan ka nila.

19. Ang buhay ay walang katapusang pag aaral..

20. Magisip nang maraming beses bago gumawa ng isang desisyon..

21. Makisama nang mabuti para walang makaaway..

22. Mahalin at alagaan ang sarili habang bata..

23. Wag abusuhin ang mga taong mababait sayo..

24. Makuntento kung anong meron ka..

25. Magtira nang onting pag mamahal sa sarili para hindi lubos na masaktan kapag iniwanan ka..

Thursday, October 2, 2008

Si mama, ako at ang pagiging lesbyana ko...





My mom never questioned me kung bakit ako, panganay sa tatlong magkakapatid, babaeng babae pumorma at maraming barkadang lalake e nagkakagusto sa kapwa babae..(pero hindi ako butch, femme ako)..hindi ko naman actually sinabi sa mom ko nang deretchuhan na hindi ako straight...Naamoy na lang nya...napansin na iba ang mga kasama ko. ..Biruin mo ba naman, nung 18th birthday ko ni anino nang lalaki wala syang nakita sa party ko.... puros butch, femme, sb at mga mag-on ang nandun. diba nakakaloka!

Pero hindi ko alam kung matutuwa ako dahil open ang mom ko sa ganung relationship o iisiping wala syang pakiaalam sakin...Yung iba kaseng friends ko kinukuwento nila, nung nalaman nang mga parents nilang lesbian sila...kung hindi nasasaktan ng bonggang bongga, grounded forever o tinataboy at pinapalayas sila.

Inggit nga ibang friends ko sakin, kase ako nasasabi ko sa mom ko na my jowa akong butch. Pero infairness naman nung una akong nag dala ng kaon sa bahay, nag sunget sungetan effect ang nanay ko..Pero feeling ko..nawindang lang nanay ko nun dahil bigla akong nag out at nagbitbit ng tibo nang walang kaabog abog.. kala ko non magagalit nanay ko at magkakaron ng world war III sa bahay.. hindi pala.. ok naman pala..wala palang problema..Naalala ko pa nun..umiyak pa ako sa harap ng nanay ko one time dahil niloko ako nang jowa kung butch.. niyakap nya lang ako, tapos sabi nya lang.. "ok lang yan, babae lang yan! ".. winner sa linya si mother!

Napagtantu ko ngayon na mali ang pananaw ko na wala pakiaalam nanay ko sakin. Ang totoo e naiintindihan nya pala ako at hinahayaan lang nya akong gawin ang mga bagay na nakakapag paligaya sakin. Hindi nya na ako tinanong kung bakit ako nag ka ganito o pinilit na mag bago..hindi nya ako kinahiya o ipinagtabuyan..

Naisip ko, tama nga mga kaibigan ko.. napaka swerte ko nga sa nanay ko.. kahit mahirap tanggapin..pinilit nyang intindihin ang sitwasyon ko..ang kalagayan ko..binigyan nya ako ng kalayaan para hindi ko na kailangan mag tago at mag kunwaring straight ako..minahal nya ang buo kung pagkatao..at higit sa lahat..hinayaan nya akong maging masaya..


Wednesday, October 1, 2008