Wednesday, November 5, 2008

Si Gabby..



Jham is..

sad..
worried..
scared..


Tinawagan ako nang nanay ko kahapon nang hapon.. Ginising pa ako nang gf ko para sabihing tumutunog ang cellphone ko.. Mejo groggy pa ako nang sinagot ko ang phone..


me: Ma..

mama: hello jham.. si gabby may sakit kelangang operahan..minor operation lang naman..

me: (meju nagising ang wisyo) anu? bakeeet?

mama: sa tonsils nya.. kelangang tanggalin.. may tonsili-ekek sya.. ( di ko maalala ang sakit) kelangan tanggalin dahil bumabara sa lalamunan nya..

me: ganun? (nakapikit paden)

mama: kasama ba sila sa health card mo? covered ba?

me: walang ganun ee..hindi kasali.. di ko sure

mama: ayy, ganun ba.. e sa phil health

me: oo sinulat ko sila dun..

mama: sige ayusin mo phil health mo.. padala mo dito.. mag hahanap den ako ng doctor.. meron den nga pala syang skin asthma.. napacheck up ko na sya...may gamot na akong nabili..

me: ok.. ok.. sige..

toot..toot..toot.. (putol na ang linya..)



Tulog..zZzzZZZZZzzzz

Pagising ko.. unang sumagi sa isip ko ang conversation namen nang nanay ko.. saka lang nag sink in ang problema.. Nagisip ako.. kung anung gagawin ko.. kung panu ako makakalikom nang pera.. kung panu ko aasikasuhin ang papers para sa phil health ko..

Naisip ko den ang bunso kung kapatid na si Gaby.. napaka gandang bata..loveable at charming..favorite nang lahat..kaso nga lang ang daming saket.. tsk..

naawa ako.. ooperahan sya.. sa talang buhay ko.. hindi pa ako naooperahan.. sa mura nyang isip.. naiintindihan nya kaya ang mga nangyayare sakanya ngayun? 6 years old palang sya.. ganyan na ang nangyayare saknya.. naawa talaga ako.. ayokong mahirapan ang mga taong mahal ko..

Napakalungkot..wala ako sa piling nila.. hindi ko sila maalagaan.. hindi ko sila kasama.. pero wala akong magagawa.. kelangan kung kumayod para mabuhay..para tulungan ang pamilya ko..



sana..



sana maging ok na ang lahat..

7 comments:

Mel said...

omg sana ok na utol mo chong

she :) said...

sana maging ok na lahat.. yaan mo mare.. sama ko yan sa mga prayers ko... think positive.. ok? :)

Myk2ts said...

magiging okay yan. madali at safe naman ang tonsilectomy. si kris aquino ata nagundergo na ng ganyan. pray mars. amen :) miss you

*FRUITSHAKE* said...

naku.. kaawa ung bata... waaahhhh! ayuko ng ganun!! may anak aku.. at ayuko xang dumating sa ganung point na ooperahan... sana maging ok ung kapatid mu mars... waaahhh!! naawa ako ng sobrah!!!

Jhamy whoops! said...

@she,myk2ts,mel and Fruitshake

Maraming salamat mga mare!! sana nga maging ok ang lahat!! haayyy.. idaan na lang naten sa videoke para hindi ako mashadong matense.. lol! tc!! miss yah

TENTAY™ said...

ay jam ako din dati may ganyan, dapat operahan kng hindi umayos...

hay... alam ko grumpy ka nanaman nyan jan sa office dahil sa sitwasyon mo...

i miss you.

Jhamy whoops! said...

@tentay

hayy.. hindi naman grumpy.. meju problemado lang.. kase kelangan na daw operahan dahil nag babara sa air passage nya.. sana maayus pa..