29 na ako.. Pero marami parin akong hindi alam sa sarili ko. Marami pa akong gustong malaman, matuklasan.. Marami pa akong dapat itama.. Marami pa akong susuportahan.. Marami akong gustong gawin, di mabilang. Marami akong gustong maramdaman..Marami akong gustong makamtan.. Marami pa akong gustong mapasaya,kahit sa maliliit na bagay lang. Marami akong gustong hingan nang tawad. Marami akong gustong humingi nang tawad saken.
Gusto ko makilala ang tatay ko. Gusto ko makasama ang pamilya ko. Gusto ko malibot ang Pilipinas. Gusto ko mag aral ule. Gusto ko makapag ipon. Gusto ko maibigay sa mga kapatid ko lahat nang hiling nila. Gusto ko mabili ang mga gusto ko. Gusto ko lumaki ang sahod ko. Gusto ko magmahal.
Sana maging maayos na ang takbo nang buhay ko. Sana makuntento na ako sa kung anong meron ako at pag hirapan na lang ang mga bagay na gusto kung makuha. Higit sa lahat, gusto ko maging masaya. Yung alam kung pang matagalan na saya. Yung pagising ko sa umaga, wala akong proproblemahing kahit ano. Wala akong iisipin kundi sarili ko at mga taong mahal ko lang. Kasi kahit na ngumingiti ako, sa loob nang malapot kung utak, dami ko iniisip. Daming kailangan intindihin..
Basta 29 na ako.. Tanda ko na,pero wala padeng nangyayare sa buhay ko. Sana pag tungtong ko nang 30, pag binasa ko ulit tong post ko masasabi kung "sa mga nasulat ko, may na-achieve naman ako nang mangilan kahit papano".
^____^
1 comment:
Hi. Randomly hit your blog. Nice posts.
-randomgirl
Post a Comment